Performance Assessment: Liham para sa Pangulo ng Pilipinas

After our thorough discussion and activities on Philippine Geography and a bit of National and Local Governance, I asked my pupils to summarize all the problems that needed to be addressed in order for the Philippines to fully develop and for its citizens to help in nation-building. As an output, I asked them to write their answers through a letter. To make it more interesting and challenging, the letter “has-to-be-send” to the Malacanang Palace and to be read by the President. With much enthusiasm, the students accepted the challenge. At their level, I thought they will just be enumerating all the problems and the setbacks of Philippine governance, however, I was astonished to find out how social issues made a mark in their hearts. To keep up with my promise to them, I have chosen a letter that is to be published on my blog and hopefully be read by its supposed to be recipient.

Mahal naming Pangulong Aquino,

                Ako po ay isang siyam na taong gulang na mag-aaral ng Cebu. Hindi niyo po ako personal na kilala subalit lahat ng natatamasa kong karapatan at malaya kong nagagawang mga bagay upang mapaunlad ang aking sariling kakayahan ay utang na loob ko po sa inyo. Alam kong napakaabala po ninyo sa pagbibigay ng kaukulang serbisyo para sa lahat ng mamamayang Pilipino pero dahil nag-iisa lamang kayong namumuno sa bansa at hindi po lahat ng kasapi ng inyong pamunuan ay ginagawa ang kanilang mga tungkulin, marami pong Pilipino ang hindi nabibigyan ng karampatang serbisyo. Nagpapasalamat po ako sa suportang ibinibigay ninyo sa bawat Pilipino at sa mga programa at mga batas na naipatupad ninyo subalit lubos po akong nababahala sa mga pangyayaring yumanig sa ating bayan at ang mabagal na pagsagot ng pamahalaan sa mga problemang dumarating kagaya nalang po ng nangyari sa iilang mga lugar na nasalanta ng mga bagyong Yolanda at Ruby at mga lugar na walang kaligtasang mamuhay ang mga tao dahil sa banta ng pambobomba at giyera. Naniniwala po akong bawat isa sa atin ay may karapatang mamuhay nang malaya at maligaya kaya naman ay nakikiusap po akong tulungan niyo po sila. Maraming batang kagaya ko ang hindi nakakapaglaro, nakakapag-aral at nakakaranas ng pagmamahal ng isang magulang. Maliban sa kanila, napansin ko rin po ang mabagal na proseso ng paglutas ng mga krimen lalung-lalo na kung mga mahihirap ang may kinalaman at sobrang bilis naman ng imbestigasyon kung mayayaman ang nagawan ng krimen. Ipagpatuloy niyo po sana ang mga magagandang pogramang nasimulan ninyo at huwag niyo pong pabayaan ang mga Pilipino lalung-lalo na ang mga pangkat-etniko at mga nasa Mindanao pati narin po ang pangangalaga sa ating nasisirang kapaligiran dulot ng walang tigil na pagputol ng mga puno, pagmimina at ilegal na paghuhuli ng mga hayop.

Bilang isang bansa, kailangan nating maging isa at sundin ang mga yapak ng ating mga ninunong payapang namumuhay noon. Ito po ay para sa ikauunlad ng mga susunod pang henerasyon at kinabukasan ng ating bayan upang maginhawa silang mamuhay. Ipinapangako kong gagawin ko ang mga responsibilidad ko bilang isang mag-aaral at anak, sana po ay gawin rin po ninyo ang inyong makakaya. Magtulungan po tayo.

Maraming salamat po sa inyong panahon.

 

Lubos na gumagalang,

Mag-aaral sa Grade Four – Trust (G06-07-08-15-25-17-28-31-37)

Advertisements

4 thoughts on “Performance Assessment: Liham para sa Pangulo ng Pilipinas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s